-- Advertisements --

Lumantad ang panibagong actress na nagreklamo na siya ay minolestiay ng film director na si Benoit Jacquot.

Ayon sa French actress na minolestiya ito ng 52-anyos na director noong ito ay 16-anyos pa lamang.

Sinabi ng 41-anyos na actress na si Isild Le Besco na nagkaroon sila ng relasyon dahil pangako ng director na mabibigyan ito ng mga proyekto.

Nakaranas din ito ng mga pananakit pisikal sa loob ng kanilang relasyon.

Una rito ay nagreklamo rin ang actress Judith Godreche,51, na pinilit niyang makarelasyon noong ito ay 14-anyos pa lamang habang ang suspek ay 25-anyos na.

Mariing pinabulaanan naman ng director ang nasabing mga alegasyon ng mga biktima.