-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Maayos at tahimik ang ikalawang linggo ng pagpapatupad ng ‘No Movement Sunday’ sa probinsya ng Cotabato.

Sa boundary checkpoint ng probinsya walang pila ng mga sasakyan.

Mahigpit din ang kapulisan sa pagbabantay upang hindi makalabas pasok ang mga byaherong walang sapat na dukomento.

Sa bayan ng Kabacan,mismong si Mayor Herlo Guzman Jr ang naglibot sa lansangan para matiyak na naipapatupad ng maayos ang ikalawang linggo ng no movement Sunday.

Binigyan pa ng pagkain ni Mayor Guzman Jr ang mga pulis,BPAT,Sundalo at pulis na nagbabantay sa lansangan.

Pakay ng pagpapatupad ng no movement Sunday na maibsan ang paglobo kontra Covid 19.