-- Advertisements --

IMG e04581fd7f86ecb5c09691980f66b1ff V

Pormal nang nanumpa bilang bagong mahistrado ng Supreme Court (SC) si dating Court of Appeals (CA) Justice Japaar Dimaampao.

Ang bagitong justice ay nanumpa mismo sa harap ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo.

Si Dimaampao ang ikalawang Muslim magistrate makalipas ang 34 na taon.

Ang kauna-unahang mahistradong Muslim na si dating Justice Abdulwahid Bidin ay itinalaga pa noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Nagtapos si Dimaampaw ng law degree sa UE College of Law noong 1987.

Taong 1988 nang maipasa nito ang Bar Examination.

Si Dimaampao, 58-anyos ay isang Maranao mula sa Lanao Del Sur.

Eksperto ito sa civil law, commercial law, taxation, at Sharia maging Islamic jurisprudence.

Nagtuturo rin ito ng civil law, taxation at commercial law sa Pamantasan Ng Lungsod ng Maynila, San Beda University, University of Santo Tomas, University of the East at San Beda College of Law Manila.