-- Advertisements --

Sinimulan na ng kumpanya ng langis ang dagdag presyo sa kanilang mga produkto.

Ito na ang pangalawang beses na magdagdag ng presyo sa kanilang produkto ngayong 2022.

Nauna ng nagpatupad ng dagdag presyo ang Caltex kaninang 12:01 ng hatinggabi na mayroong P0.75 sa kada litro ng gasolina, mayroong P1.10 sa kada litro ng diesel habang P0.90 naman sa kada litro ng kerosene.

Magkakasabay naman na nagpatupad kaninang ala-sais ng umaga ang kumpanyang Shell, Seaoil, Flying V, Petron, PetroGazz at PTT Philippines.

Habang mamayang alas-4:01 ng hapon magpapatupad ng kaniyang dagdag presyo ang Cleanfuel.