CENTRAL MINDANAO – Sumailalim ang 106 na mga mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ikalawang decomissioning process na pinangunhan ng Independent Decomission Body (IDB) na isinagawa sa Old Provincial Capitol, Brgy Simuay sa Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ang mga dating MILF combatants ay tumanggap ng P100,000 cash bawat isa at economic assistance package.
Ang mga pamilya ng mga MILF members ay makakatanggap naman ng nasa P500,000 hanggang P1 milyon na health care assistance, pabahay, scholarships at livelihood assistance na mula sa pamahalaan.
Sina ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) Undersecretary David Diciano, umaabot sa 8,879 na ang mga mandirigma ng MILF ang na-decommissioned at 1,542 na mga armas ang nai-surrender.
Dagdag pa ni Diciano na pagbalik ng mga MILF combatants sa kanilang komunidad ay may inilaan na programa ang DSWD na tinatawag na re-engagement kung saan ay sasailalim sa evaluation ang kanilang estado sa kani-kanilang mga pangangailangan.
Dumalo sa decommissioning process ang mga opisyal ng militar, pulisya, mga lokal na opisyal sa Maguindanao at BARMM Chief Minister Alhaj Murad Ebrahim.