Inihayag ni Ukraine Office of the President head Andriy Yermak na nagsimula na sa rehiyon ng Donbas ang “ikalawang yugto ng digmaan”.
Sa nasabing aktibidad, mas pinalakas pa ng Russia ang kanilang opensiba.
Ngunit, hinimok ni Yermak ang mamamayan ng Ukraine na magtiwala sa kanilang Armed Forces.
Nauna nang sinabi ng mga opisyal ng Ukrainian na ang pambobomba ng Russia sa ilang lungsod ng buong bansa ay pumatay ng hindi bababa sa 17 katao.
Napag-alaman na nagka-interes si Russian President Vladimir Putin na sakupin ang Donbas dahil dito matatagpuan ang Ukraine’s old coal at steel-producing area.
Inaasahan din ng Nato na susubukan ng mga pwersang Ruso na lumikha ng isang land bridge, na tumatakbo sa kahabaan ng timog baybayin sa kanluran ng Donetsk hanggang Crimea.