VIGAN CITY – Inaasahang magiging matagumpay muli ang ikalawang yugto ng Dugong Bombo 2020 Blood Letting Activity sa Narvacan, Ilocos Sur ngayong araw.
Bahagi pa rin ito ng “new normal” sa gitna ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) pandemic, pero ngayon ay may tema itong Halloween B’Loved Donor.
Gaganapin ang blood letting activity sa covered court ng Barangay Quinarayan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Vigan sa Narvacan-local government unit at ng Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang.
Limang barangay ang inaasahang panggagalingan ng mga blood donors na kinabibilangan ng Barangay Ambulogan, Lungog, Camarao at Bantay Abot.
Sa ngayon, mayroon nang 1041 na successful blood donors sa walong bayang pinuntahan ng Bombo Radyo Vigan para sa Dugong Bombo 2020.