-- Advertisements --

ROXAS CITY – Binawian ng buhay ang ikalimang nagpositibo sa COVID-19 disease sa lalawigan ng Capiz.

Sa ipinalabas na press release ng Capiz Provincial Health Office o PHO, namatay ang biktima habang ginagamot sa The Medical City Inc. sa Iloilo City.

Nabatid na ang namatay na ikalimang COVID-19 patient ay asawa ng unang namatay sa COVID-19 disease sa lalawigan.

Matandaan na ang nasabing pasyente ay isang lalaki, 63 yrs. old at residente ng Barangay Dayao, Roxas City.

Sa impormasyon nakalap ng Bombo Radyo na-cremate na ang bangkay ng biktima at nakatakdang dalhin ang kanyang abo sa Roxas City.

Sa ngayon ay nakapagtala ng dalawang namatay sa COVID-19 disease sa lalawigan, 2 ang nakalabas sa pagamutan at isa na lamang ang nananatili sa ospital.