Kasado na ang ikatlong yugto ng peace talks sa pagitan ng Russia at Ukraine ngayong weekend.
Sa isang statement ay sinabi ni Ukrainian presidential advisor Mykhailo Podolyak na planong ganapin ang ikatlong pagpupulong kasama ang Russian delegation ngayong araw o bukas, na siya namang kinumpirma ni Russian President Vladimir Putin ayon kay German Chancellor Olad Scholz.
Sa ngayon ay wala pang nababanggit ang dalawang panig tungkol sa venue kung saan gaganapin ang nasabing pagpupulong.
Magugunita na una rito ay napagkasunduan ng dalawang bansa sa kanilang isinagawang second round ng peace talks na magbigay ng humanitarian corridors para sa paglikas ng mga sibilyan na naipit sa Ukraine at maging ang posibleng pansamantalang tigil-putukan sa mga lugar kung saan nangyayari ang mga paglikas.