Inaasahan na ang mga sikat na personalidad ang magpapakita sa ikatlong araw ng Democratic National Convention na ginaganap sa Chicago.
Magsasama-sama ang mga supporters at kapartido ni US Vice President Kamala Harris sa United Center Arena.
Sa ikatlong araw ay nakatakdang magtalumpati ang runningmate ni Harris na si Minnesota Governor Tim Walz ang nominado ng partido para maging Bise Presidente.
Ilan sa mga personalidad na naimbitahan din na magtalumpati ay sina dating US President Bill Clinton, dating Speaker of the House Nancy Pelosi, House Minority Leader Hakeem Jeffries. Pennsylvania Governor Josh Shapiro, Maryland Governor Wes Moore at Transportation Secretary Pete Buttigieg.
Magugunitang noong unang araw nagtalumpati si US President Joe Biden at sa ikalawang araw naman si dating US President Barack Obama at asawang si Michelle na nanawagan ng buong suporta kay Harris.
Ang pinakamahalagang bahagi ng convention ay sa araw ng Biyernes kung saan pormal na tatanggapin ni Harris ang kaniyang nominasyon.
Pagsasapormal lamang ang nasabing pagtanggap ni Harris dahil siya mismo ang napili ni Biden na humalili sa kaniya sa pagkapangulo sa darating na Halalan sa Nobyembre matapos na tumalima ito sa panawagan ng mga kapartido na umatras na lamang dahil sa kaniyang edad at kalusugan.