-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jeremiah Belgica bilang diretor-general ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa ilalim ng Office of the President (OP).

Si Jeremiah ay anak ni Grepo “Butch” Belgica at bunsong kapatid ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica.

Ang bagong opisyal ay ikatlong Belgica na nabigyan ng puwesto sa Duterte administration dahil maliban kay Greco, naitalaga na rin ang kanilang tatay na si Grepo Belgica bilang Presidential Advider for Religious Affairs nitong Mayo.

Si Atty. Jeremiah Belgica ay isang practicing lawyer, Christian pastor at licensed real estate broker.

Ang ARTA ay bahagi ng implementasyon ng Republic Act 11032 na mas kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Layunin ng ARTA na mapabilis ang serbisyo at mga proseso ng pagtatayo ng negosyo sa bansa at maiwasan ang pagkaantala sa paglalabas ng anumang dokumento mula sa gobyerno gaya ng business permits.