VIGAN CITY – Kinumpirma ni Governor Ryan Luis Singson ang ikatlong kaso ng COVID19 sa lalawigan na ang pasyente ay isang buntis, 30-anyos, OFW na dumating noong April 15 sa Pantay Fatima, Vigan City.
Nag-quarantine ang pasyente sa The Selah Garden Hotel, Pasay City hanggang May 25 at sa nasabing araw din ay nakauwi dito sa lalawigan sa pamamagitan ng pagtulong ng Overseas Workers Welfare Administration at Department of Transportation.
May 9 naman noong nagnegatibo sa RT-PCR testing kaya siya napahintulotang makauwi sa lalawigan at noong June 7 umano ay tumawag sa City Health Office upang magpakonsulta dahil nakaramdam siya ng body malaise, sore throat at lagnat habang June 8 naman noong naadmit na ito sa ISDH Magsingal at napag-alamang positibo nang sumailalim ito sa swab testing.
Dahil dyan, maisasagawa ang contact tracing sa buong syudad, at sa mga ibang pang bayan gaya ng Sinait, Cabugao, Narvacan, Santiago, Sta. Cruz at Tagudin.
Makikipag-ugnayan din ang mga provincial health officers ng OWWA upang ma-trace ang mga nakasakay nitong umuwi galing sa National Capital Region.