-- Advertisements --

Naglunsad ang ilan sa mga pinakamalalaking cycling groups sa bansa ng nationwide bike caravan para ipakita ang kanilang suporta sa pagtakbo ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagka-sendaor.

Nangyari ito hindi laman sa Luzon kundi maging hanggang sa Visayas at Mindanao.

Kabilang sa mga lumahok sa naturang bike caravan ay ang ilang daang miyembro ng Universal Cycling Network (UCN) sa Cavite, multisports group na TriZurKamesa sa Pagadian, at Kasabike Iligan sa Iligan.

Maging ilang mga alkalde at mga taga-barangay ay lumahok din sa ikatlong nationwide caravan na ito, na inilunsad bilang pakikisa sa eco-friendly campaign ni Cayetano.