-- Advertisements --
Opisyal ng inanunsiyo ng UFC ang ikatlong paghaharap ni Conor McGregor kay Dustin Poirer.
Gaganapin ang laban sa darating na Hulyo 10 sa Las Vegas kung saan papayagan na rin ang mga fans na manood.
Sinabi ni UFC president Dana White na isang magandang balita dahil tatanggalin na ng Nevada ang COVID-19 restrictions pagdating ng Mayo kaya papayagan ng manood ang nasa 20,000 fans.
Magugunitang noong 2014 ay tinalo ni McGregor si Poirer sa pamamagitan ng first-round technical knockout at noong Enero ay nakabawi si Poirer ng patumbahin ang Irish fighter sa second round TKO.