-- Advertisements --

Naniniwala si UFC president Dana White na malalaman kung sino ang heavyweight champion sa kasaysayan sa ikatlong paghaharap nina Stipe Miocic at Daniel Cormier.

Gaganapin kasi ang pagharap ng dalawa sa Agosto 16 sa UFC APEX sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay White, na sa paghaharap ng dalawa ay makikita kung sino nga ba talaga ang dapat kilalanin sa heavyweight division.

Magugunitang unang nakuha ni Cormier ang panalo noong UFC 226 na ginanap noong July 2018 para makuha ang two-division world championship kung saan pinatumba niya sa unang round lamang si Miocic.

Noong Agosto 2019 ay nakabawi si Miocic sa UFC 241 ng makuha nito ang fourth-round technical knockout.