Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ceremonial turnover ng ikatlong Intergovernmental Relations Body (IGRB) progress report sa Malakanyang.
Layunin nitong palakasin ang relasyon sa pagitan ng national government at ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa nasabing seremonya tinanggap ni Pangulong Marcos ang progress report mula kina Budget Secretary Amenah pangandaman, co chair ng igrb at minister mohagher iqbal ministry ng basic, higher and technical education at co chair ng igrb.
Itinatag ang IGRB sa ilalim ng section , article vi ng republict act number 11054 o mas kilala bilang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Pangunahing mandato nito ay pangunahan ang pakikipag ugnayan at resolbahin ang mga isyu sa pagitan ng national government at bangsamoro government sa pamamagitan ng regular consultations at negosasyon para makamit ang parehong layunin.
Ang IGRB din ang responsable sa pag operate at pag oversee ng iba pang intergovernmental relations mechanisms na nakasaad sa bangsamoro organic law.