Muling dumanas ng pagkatalo ang Los Angeles Lakers sa ikatlong sunod na pagkakataon matapos itong tambakan ng 16 big points ng Chicago Bulls, 124 – 108.
Nagposte ng 27 points, 9 assists at pitong rebounds ang forward na si DeMar DeRozan habang 13 pts 10 rebound double-double naman ang nagawa ng sintrong si Nikola Vucevic.
Umabot sa walong players ng Bulls ang nagposte ng double-digit scores sa kabuuan ng naturang laro.
Sa panig ng Lakers, muling nagpakita ang 38 anyos na si Lebron James ng impresibong performance: 25 – 10 – 9; habang gumawa naman ng 19 points at 14 rebounds ang sentro na si Anthony Davis.
Hawak ng Bulls ang lead mula sa unang kwarter hanggang sa pagtatapos ng laro, gamit ang impresibong 54.5% na field goal.
Nagawa rin ng Bulls na makapagpasok ng 18 3-pointers sa pamamagitan ng 52.9% 3-pt FG. Pinilit ng Lakers na sagutin ang 3-pt shots ng Bulls at nagtangka ng 37 shots ngunit 12 lamang dito ang nakapasok.
Dahil sa kamalasan sa 3-pt area, sinamantala ng Lakers ang paint area at nagpasok ng 54 points sa ilalim nito kontra sa 34 points lamang na sagot ng Bulls. Gayonapaman, naging bentahe ng Bulls ang mas maraming rebounds na naagaw mula sa mga hindi pumasok na tira ng Lakers.
Ito na ang ika-13 na pagkatalo ng Lakers ngayong season habang hawak ang 15 wins. Nasa 12 – 17 na kartada naman ang Chicago Bulls.