Pormal ng binuksan kahapon, Disyembre 18, ang ikatlong tourist rest area (TRA) sa pangunguna ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, kasama si Cebu Gov. Gwen Garcia at iba pang mga lokal na opisyal, sa bayan ng Carmen Cebu.
Bago buksan ang Tourist Rest Area sa Carmen, binuksan na rin ngayong taon ang kauna-unahang TRA sa bansa sa bayan ng Medellin, at sa Carcar City na bukas na sa mga turistang bumibisita sa lalawigan.
Ngayong Miyerkules naman, Disyembre 20, bubuksan din ang Tourist rest area sa bayan ng Moalboal.
Sa kanyang naging talumpati, pinasalamatan ni Tourism Secretary Frasco ang gobernadora sa ipinaabot na pagsuporta nito sa kanyang mga programa sa turismo.
Binigyang-diin naman ni Garcia ang kahalagahan ng tourist rest area sa pagsulong sa turismo at pagbigay-kaginhawahan sa mga lokal at internasyonal na turista.
Sa susunod na taon, plano naman ng Department of Tourism na magtayo ng mas maraming Tourists Rest Areas sa ilang lugar sa probinsya katulad ng Santander, Pinamungahan, Dumanjug at Bogo.
Matatandaan na sa noong 2022, pinasinayaan ng Department of Tourism Secretary ang 10 Tourist rest area sa buong bansa na handang magsilbi sa mga manlalakbay.