-- Advertisements --
Pinayuhan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang Departmet of Justice (DoJ) na tingnan ang iba’t-ibang options para maibalik sa piitan ang mga bilanggong napalaya kahit hindi naman nararapat.
Ayon kay Zubiri, malaking pagkakamali ang pagpapalaya sa mga kriminal na patuloy na lumalabag sa batas, kahit nakakulong na ang mg ito.
Aniya, kung matitingnan sana ang “quo warranto” angle sa bagay na ito, baka mapadali ang muling pagkukulong sa mga dating bilanggo.
Pero matamlay ang pagtanggap dito ni Justice Sec. Menardo Guevarra, dahil may ilang aspeto umanong hindi angkop sa application ng “quo warranto.”