-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ibinalik na sa modified general community quarantine ang buong lungsod matapos ang limang araw na pagpapatupad ng localized lock down sa ilang barangay at purok sa Ilagan City.

Tuluyan na nang inalis ng CIATF ang paghihigpit at paglilimita sa galaw ng mga residente sa barangay Marana 1st at Purok 2 ng Barangay Alibagu matapos ang matagumpay na contact tracing sa naturang mga lugar.

Ayon sa City Iinter Agency Task Force patuloy pa rin ang paghihigpit sa pagpapatupad ng health standard sa mamamayang Ilagueno.

Batay sa kanilang pagtaya nasa 50 active cases ang patuloy na binabantayan sa Lungsod ng Ilagan.

Maliban pagdagsa ng mga NON-APOR sa Lunsod para sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon ay naka alerto na ang mga kinauukulan sa mga entry at exit points ng lungsod para mamonitor ang mga pumapasok sa kalunsuran .

Paalala pa rin ng CIATF iwasan ang mass gathering at iwasan ang pagtungo sa mga matataong lugar kung hindi kinakailangan at ugaliing sundin ang panuntunang ipinapatupad ng mga kinauukulan para makaiwas sa COVID-19.