CAUAYAN CITY- Nangunguna pa rin ang Ilagan City sa mga lugar na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela.
Sa inilabas na talaan ng Isabela Provincial Health Office, nasa 942 na ang naitalang kaso sa Ilagan City na sinundan ng Santiago City na may mahigit 600 na kaso habang nasa 527 naman ang Cauayan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City Inter-Agency Task Force, muling nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 ang Ilagan City sa mga nakalipas na araw bunsod ng mabilis na pagkalat ng virus sa iba’t ibang mga lugar dahilan upang isailalim sa localized lockdown ang ilang bahagi ng mga barangay.
Dahil dito, doble ang paghihigpit sa monitoring ng mga kasapi ng City IATF partikular na sa mga residente na mula sa ibang lugar na may mataas na kaso ng virus.