Hangad ng mga senador na maging bukas ang Duterte administration sa paglalahad ng nilalaman ng mga inihahaing diplomatic protest laban sa China.
Pinakahuli rito ang isyu ng mistulang pagkuyog ng mahigit 100 Chinese vessel sa may Pag-asa Island kamakailan.
Sinabi ni Sen. Joel Villanueva nakakaalarma ang naging pagbubunyag nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon ukol sa presensya ng napakaraming Tsino sa karagatang sakop ng ating bansa.
Giit ni Villanueva, obligasyon ng Beijing na respetuhin ang ating karapatan at humingi man lang ng permiso sa anumang aktibidad sa ating teritoryo.
“The filing of the diplomatic protest on the reported swarming of Chinese ships on Filipino fisherfolk is a welcome development. We hope that the Department of Foreign Affairs reveals the contents of the protest, especially that our National Security Adviser raised the alarm on threats to our country’s national security.
Pag-asa Island is Philippine territory. Basic courtesy and propriety dictate that one asks permission to pass through our waters,” wika ni Villanueva.
Para naman kay Sen. Risa Hontiveros, matagal na siyang humihingi ng audit ng mga naihaing protesta ng Pilipinas sa China, ngunit walang nailalabas na ulat ang DFA hinggil dito.
Nagagalak naman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bagama’t may pagkakahati-hati ang mga Pinoy, pero sa isyung ito ay buo ang ating laban.
“We may be divided on many issues, but we are united on this one,” pahayag naman ni Recto.