-- Advertisements --

Pinakamarami pa rin sa magiging laman ng ilalabas na narco list ay mga konsehal at mayors.

Ito ang sinabi ng source ng Bombo Radyo, kasunod ng planong pagsasapubliko ng listahan ng mga politikong dawit sa droga.

Sinasabing may ilang kongresista at gobernador din na kasama sa data, ngunit walang lumulutang na nasa national positions.

Samantala, sinabi naman ni Interior and Local Government Usec. Martin Diño na mahalagang mailabas ang listahan para maging gabay ng mga botante.

Paalala pa nito sa publiko, maging mapanuri sa susuportahang kandidato, lalo na ang mga bumibili ng boto.

Naniniwala si Diño na ang gumagawa ng vote buying activities ay mga sangkot sa illegal drug proliferation dahil wala naman daw ibang panggagalingan ang tambak ng pera ng mga iyon kundi ang drug money.

Hangad ng opisyal na mai-release ang narco list ng mas maaga para maikonsidera ng mga botante ang mga ito para sa ihahalat na mga politiko.