-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) matapos na aprubahan kagabi ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Kabilang pa sa mga probinsiya at siyudad na napabilang na rin sa MECQ ay ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at Angeles City.
Kung maalala una nang inilagay sa MECQ simula ngayong araw May 16 ang Metro Manila, Laguna at Cebu.
Pero sa Resolution No. 37 ng IATF ang Cebu City at Mandaue City ay ilalagay muna sa mas mahigpit na lockdown sa enhanced community quarantine (ECQ) hanggang May 31 dahil sa mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Ang Cebu ay una nang nasa lebel ng modified ECQ.