-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagkansela na ng klase ang ilang bayan, kasama na ang lungsod ng Laoag at Batac sa Ilocos Norte matapos isinailalim sa signal number one ng bagyong Jenny sa lalawigan.

Kasama sa mga bayan ng nagkansela ng klase ay sa Pagudpud (all levels), Solsona (all levels), Pinili (kinder to elementary), Badoc (kinder to elem), Curimao (all levels), Bacarra (kinder to elementary) at iba pa.

Sa ngayon, hinihintay pa kung magdedeklara rin ng pagkansela ng klase ang ibang bayan sa lalawigan.

Samantala, puspusan din ang paghahanda at pagmonitor ng mga opisyal sa lalawigan lalong-lalo na kay Governor Matthew Marcos-Manotoc dahil sa bagyong Jenny.

Una nang ipinayo ni Manotoc sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot sa dagat habang pinayuhan din niya ang mga magsasaka na ngayon pa lamang ay ilagay na ang mga alagang hayop sa mga ligtas na lugar.

Maalala na daang-daang alagang hayop ang namatay matapos inanod ng malakas na tubig sa nangyaring baha sa malaking bahagi ng lalawigan dahil sa pananalasa ng bagyong Ineng kung saan umabot na sa mahigit isang bilyong piso halaga ng mga nasira sa agrikultura at imprastraktura sa Ilocos Norte.