-- Advertisements --

CEBU CITY – Umabot sa 19 na mga flights ang kinansela at isang diverted flight ang naitala sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) dahil sa weather disturbance magmula pa nitong araw sa Metro Cebu.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu sa isang stranded na pasahero, sinabi ni Elene Andao, na pangalawang kanselasyon na ito at problema nila ngayon ang panggastos sa pagkain at tubig.

Aniya, kailangan na nilang makauwi dahil may eksaminasyon pa ang kanyang anak.

Nanggaling sila ng Dumaguete at pauwi na sana sa Busuanga, Palawan.

Gayunpaman, inihayag ni Andao na mananatili na lang sila sa paliparan hanggang sa maibalik na ang mga flights sa Oktubre 28.

Habang inihayag rin ni Edilyth Maribojoc, ang tagapagsalita ng MCIA na nagbigay na ang management ng paliparan ng bottled water at blankets, gayundin naman ang Korean consulate na nagbigay ng food packs para sa mga stranded na pasahero.

Ang mga sumusunod ay ang cancelled na mga flights (as of 10:34am):

DG 6851 Cebu-Siargao
DG 6852 Siargao-Cebu
DG 6895 Cebu-Surigao
DG 6896 Surigao-Cebu
DG 6546 Cebu-Calbayog
DG 6547 Calbayog-Cebu
PR 1847 Cebu-Manila
PR 1848 Manila-Cebu

As of 1:00PM

Z2 9048 Cebu-Incheon
Z2 9047 Incheon-Cebu
PR 2384 Cebu-Iloilo
PR 2385 Iloilo-Cebu
PR 2347 Cebu-Puerto Princesa
PR 2348 Puerto Princesa-Cebu
PR 2833 Cebu-Clark
PR 2834 Clark-Cebu
PR 2364 Davao-Cebu
Z2 8782 Cebu- Manila
Z2 772 Cebu-Manila

Diverted flight:

5J571 Manila-Cebu diverted to Iloilo