-- Advertisements --
image 59

Nagdagdag pa ang mga dam management ng mga binuksan na flood gates, dahil sa tuloy tuloy na pag-angat ng lebel ng tubig sa mga ito.

Kinabibilangan ito ng Ambuklao Dam, Binga Dam, at Ipo Dam.

Sa kasalukuyan, pitong gates na ang binuksan sa Ambuklao, mula sa dalawa kahapon. Ito ay may kabuuang opening na 3.50 meters.

Sa Binga Dam naman, kabuuang anim na gates na rin ang sa ngayon ay bukas, matapos dagdagan kaninang umaga ng apat na iba pa, mula sa dalawa kahapon.

Ang anim na gates ay katumbas ng 4.50 meters na opening.

Paliwanag ng mga dam management, kailangan na nilang buksan ang mga nasabing gates dahil tiyak na mahihirapan ang mga nasabing dam kung lilimitahan pa rin nila ito.