-- Advertisements --

Kinondena ang ilan pang kaalyado ng Pilipinas matapos magtamo ng pinsala ang 2 barko ng Philippine Coast Guard kasunod ng pagbangga ng China Coast Guard vessels sa Escoda shoal nitong Lunes.

Kabilang na dito ang Australia, Japan, France, Germany, UK, New Zealand at European Union.

Ayon kay Japan Ambassador Endo Kazuya, hindi kukunsintihin ng Japan ang anumang harassment at mga aksiyon na magpapataas ng tensiyon o makakahadlang sa karapatan sa paglalayag kasabay ng pagtindig nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-uphold sa rules-based order at mapayapang pagresolba ng mga hidwaan base sa international law.

Kinondena naman ni Australian Ambassador HK Yu ang mapanganib na mga aksiyon ng China na aniya’y nakakasira sa mga pagsisikap para mapahupa ang tensiyon.

Pareho namang nagpahayag ng pagkabahala sa aksiyon ng China sina French envoy Marie Fontanel, German Ambassador Andreas Pfaffernoshcke, British envoy Laure Beaufils at EU Ambassador Luc Veron.