Nadagdagan pa ang bilang ng mga dam sa Luzon na nagbukas ng floodway gate dahil sa walang-tigil na pag-ulan.
Ngayong araw, apat na malalaking dam na ang nagpapakawala ng tubig na kinabibilangan ng Magat Dam, Ambuklao, Binga, at Ipo Dam.
Sa Ipo Dam, isang gate nito ang nakabukas at may opening na 32.5 centimeters.
Sa Ambuklao at Binga Dam, parehong may 1.5 meter na opening at tig-tatlong gate na bukas.
Kahapon ay tig-isang gate lamang ang bukas sa dalawang nabanggit na dam ngunit kinailangang buksan na rin ang dalawang iba pa, dahil sa tuloy-tuloy na pagdaragdag ng tubig dulot ng pag-ulan sa watershed nito.
Sa Magat Dam, isang gate nito ang bukas at may kabuuang 2 meter na opening.
Maliban sa apat na dam, tuloy-tuloy din ang pagtaas ng lebel ng tubig sa iba pang mga malalaking dam sa Luzon na kinabibilangan ng Pantabangan, San Roque, at Angat Dam.
Nananatili naman sa mahigit 79 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City, isang metro lamang mula sa spilling level na 80.15 meters