Sunod-sunod na nagdeklara ng national mourning ang maraming mga bansa bilang tanda ng pagdadalamhati sa pamamayapa ni Pope Francis.
Unang nagdeklara ang home country ng Santo Papa na Argentina ng pambansang pagluluksa kasunod ng pagpanaw nito. Ito ay magtatagal ng isang lingo.
Sinundan ito ng iba pang mga bansa tulad ng magkatabing India at Bangladesh na kapwa nagdeklara ng tatlong araw na pagluluksa, Spain, Cuba, Lebanon, at iba pa.
Kahapon ay nagdeklara na rin ng national mourning ang Pilipinas at magtatagal ito hanggang sa libing ng namayapang Santo Papa sa araw ng Sabado, April 26, 2025.
Sa mga bansang nagdeklara ng pambansang pagluluksa, papaliparin ang kanilang mga pambansang watawat sa half-mast.
Samantala, kinumpirma na rin ng mga lider ng iba’t-ibang mga bansa ang pagdalo sa magiging funeral ng namayapang Santo Papa sa St. Peter’s Square.
Kinabibilangan ito nina US President Donald Trump, Prince William ng United Kingdom, French President Emmanuel Macron, German Chancellor Olaf Scholz, Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva, Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, Argentinian President Javier Milei, Philippine President Ferdinand Marcos Jr, at East Timor President José Ramos-Horta.
Sa European Union, kinumpirma na rin nina EU Commission President Ursula von der Leyen, Council President Antonio Costa, at Parliament President Roberta Metsola.