-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Ikinatuwa at mabuti raw ang naging desisyon ng gobyerno sa pag-lift ng travel ban sa Macau at Hong Kong.
Ito ang naging reaksyon ni Bombo international correspondent Sharm Jumalon Dela Vida, OFW sa lungsod Macau hinggil sa pag-lift ng ban ng gobyerno sa mga nasabing lugar.
Aniya, dahil dito makakauwi na ang ilang OFW sa kanilang pamilya sa Pilipinas at makakabalik naman sa kani kanilang trabaho ang ilang mga Pinoy worker.
Ibinahagi rin nito na dahil sa patuloy na pagkalat ng coronavirus ay hindi pa rin nakakabalik ang mga estudyante sa paaralan at halos sarado naman ang ilang kompaniya at mga casino.
Dagdag pa nito, kontrolado pa rin ang pagbebenta ng face mask sa Macau kung saan 10 araw bago makakabili ulit.