LAOAG CITY – Naalarma ang ilang Pilipino sa South Korea matapos maitala ang mahigit 200 na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Ayon kay Heemina Valencia Kim, nagtatrabaho sa kompanyang pagawaan ng kimchi, taga-Gangwon-do, South Korea at nakaasawa ng isang Koreano, nagpa-panic na sila dahil malapit lamang sila sa Seoul kung ilan na ang naapektuhan ng virus.
Sinasabing mahigit na sa 200 katao ang nagka-infect ng deadly virus na domoble pa.
Nangangamba naman ang mga OFW na magsasara ang pinagtatrabahuang kompaniya dahil sa banta ng COVID-19.
Sinabi niya na kung may magkalagnat na empleyado sa kompaniya ay isasara ito.
Kaugnay nito, naroon din ang pinakamalaking Casino sa kanilang lugar kung saan maraming banyaga na pumupunta sa nasabing establisyemento.
Dagdag ni Kim na nakaalerto naman ang gobyerno ng Korea na mag-aasikaso sa mga maapektuhan ng COVID-19.