-- Advertisements --

Humabol na rin ang ilan pang mga kumpanya ng langis kaugnay sa dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.

Sa anunsyo ng PTT Philippines, Phoenix Petroleum, at Shell, magkakaroon ng hanggang P0.70 na dagdag sa kada presyo ng kanilang gasolina.

Mayroon ding umento na P0.30 sa kada litro ng diesel.

Habang sa Shell, sisirit ng hanggang P0.40 ang dagdag sa kada litro ng kerosene.

Ipatutupad ng nasabing mga oil companies ang mga adjustment sa kanilang fuel prices bukas, araw ng Martes, sa ganap na alas-6:00 ng umaga.