-- Advertisements --

Humabol na rin ang iba pang mga kompanya ng langis sa pinakahuling pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa hiwalay na abiso, sinabi ng mga kompanyang Shell at Seaoil na tataas ng hanggang P0.10 ang kada litro ng gasolina, P0.20 sa kada litro ng kerosene, habang walang pagbabago sa presyo ng diesel.

Ganito rin ang magiging adjustment na ipatutupad ng Petro Gazz, maliban sa kerosene.

Samantala, wala namang price adjustments ang Cleanfuel ngayong linggo.

Epektibo ang adjustment bukas ng alas-6:00 ng umaga.