Humabol pa ang ilang mga kumpanya ng langis na magpapatupad din ng bigtime oil price hike ngayong linggo.
Sa anunsyo ng Shell, Cleanfuel, at Petro Gazz, papalo ng P2.35 ang kada litro ng gasolina habang P1.80 naman sa kada ng diesel.
Samantala, nasa P1.75 naman ang taas-presyo ng kerosene o gaas ng Shell.
Una nang nag-anunsyo ang ilang mga oil firms na papalo sa P2.50 ang itataas sa halaga ng bawat litro ng gasolina, P1.80 kada litro sa diesel at P1.90 naman sa kerosene.
Epektibo ang oil price adjustment ng Shell at Petro Gazz bandang alas-6:00 ng Martes ng umaga; habang alas-12:01 naman ng madaling araw ng Miyerkules ang sa Cleanfuel.
Sinasabing ito na ang pinakamalaking paggalaw sa oil prices ngayong taon, na sinasabing epekto ng pag-atake sa pinakamalaking oil facility sa Saudi Arabia na Saudi Aramco.