-- Advertisements --
Nagsunuran na rin ang iba pang kompaniya ng langis sa pag-anunsyo ng kanilang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Una nang nag-abiso ang Chevron Philippines Inc. (Caltex) at Petro Gazz kung saan nasa 50 sentimos ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang 75 sentimos naman sa kada litro ng diesel.
Mayroon namang 50 sentimos na taas-presyo sa kada litro ng kerosene ang Caltex.
Pero ang Shell naman, magpapatupad ng 60 sentimos na dagdag sa kada litro ng diesel, 35 sentimos sa kada litro ng gasolina at 45 sentimos naman sa kada litro ng kerosene o gaas.
Epektibo ang oil price adjustment sa Caltex pagpatak ng alas-12:01 ng Martes ng madaling-araw, habang alas-6:00 naman ng Martes ng umaga sa Shell at Petro Gazz.