Nagpaabot na rin ng interes ang ilang mambabatas kasunod ng plano ng isang komite sa Senado na imbestigahan ang mga alegasyon ng nagpakilalang si alyas Bikoy.
Ayon kay Sen. Leila de Lima kailangang seryosohin at bigyang pansin ang mga inilahad na impormasyon ni Peter Joemel Advincula.
Kataka-taka raw kasi ang interes ng pamahalaan na patahimikin ito imbis na tutukan ang mga idinadawit nitong personalidad.
“Is Bikoy for real or is he a scammer as alleged by Polong (Paolo Duterte)? What if he has credible evidence? He deserves to be heard,†ani De Lima.
Nagpaalala naman si Sen. Grace Poe sa mga kapwa mambabatas na maging sensitibo rin at tiyakin na susuportahan ni Advincula ng ebidensya ang kanyang mga sasabihin.
“It has to go through legal process, show evidence because the problem is, it doesn’t mean that just because it was shown on the internet then it is already true,†ayon sa re-electionist senator.
Nitong Martes nang ianunsyo ni Senate Committee on Public Order chairman Sen. Panfilo Lacson na sa Biyernes nakatakdang imbestigahan ng kanyang komite si Advincula. Gayunpaman hihintayin pa rin daw muna ng Senado ang kompirmasyon nito.
Inihayag naman ni Committee on Justice chairman Sen. Richard Gordon ang kanyang interes na magkaroon din ng hiwalay na pagdinig sa issue.
Sa kabila nito, duda ang mga kongresista sa Kamara sa naging timing ng paglutang ni Advincula lalo na’t limang araw na lang ay mage-eleksyon na.