Kinokonsidera umano ng ilang top aides ni outgoing US President Donald Trump na magbitiw na sa kanilang mga tungkulin.
Kabilang sa naglalayong mag-resign daw ay sina national security adviser Robert O’Brien, deputy national security adviser Matt Pottinger, at deputy chief of staff Chris Liddell.
Ang planong pagbitiw ng tatlong White House aides ay may kaugnayan sa nangyaring kaguluhan sa US Capitol.
Nauna nang naghain ng resignation letter si White House communications director/ press secretary at chief of staff ni first lady Melania Trump na si Stephanie Grisham dahil na rin sa nangyaring protesta na ikinamatay ng ng apat katao kabilang na ang isang babae.
“It has been an honor to serve the country in the @WhiteHouse. I am very proud to have been a part of @FLOTUS @MELANIATRUMP mission to help children everywhere, & proud of the many ccomplishments of this Administration. Signing off now – you can find me at @OMGrisham”
(with reports from Bombo Jane Buna)