-- Advertisements --

Inaresto ng Hong Kong police ang pro-democracy activist na si Chow Hang Tung kasabay sa ika-32 anibersaryo ng 1989 Tiananmen Square crackdown.

Si Chow, ang vice chairwoman ng Hong Kong Alliance ang siyang nag-organisa ng annual vigils sa mga biktima ng Beijing’s deadly crackdown sa mga democracy protesters.

Hinuli siya dahil sa pag-promote umano ng unauthorised assembly.

Ang Hong Kong ay nagpatupad ng pag-ban sa mga vigil dulot sa naranasang COVID-19 pandemic.

Ang Hong Kong at Macau ang tanging lugar sa Chinese territory na makagagawa nang paggunita sa nangyaring 1989 crackdown sa mga pro-democracy protesters. (with reports from Bombo Jane Buna)