-- Advertisements --

Ilan pang mga babaeng atleta ang lumantad na rin upang ibulgar ang umano’y pang-aabuso seksuwal sa kanila ng long time national coach sa ski at snowboarding ng Team USA na si Peter Foley.

Una nang sinuspinde nitong nakalipas na araw si Foley hanggang sa tuluyan na rin itong sinibak.

Ang sexual allegations na ibinabato kay Foley ay unang nabunyag nito lamang nakalipas na Beijing Olympics noong nakaraang buwan.

Meron ng apat na mga female athletes ang naghain na rin ng reklamo.

Kabila sa kanilang expose ay ang umano’y pang-aabuso sa kanila, pwersahang panghahalik at pangmomolestiya.

Isang dating empleyado na si Lindsey Sine Nikola, ang nagsabing pinilit daw siyang pinaghubad at kinunan ng nude photos.

Isa namang dating Olympic medalist ang lumutang din at nagsabing noong 19-anyos pa lamang sya ay pinaghahawakan sya sa maseselang parte ng kanyang katawan.

Samantala, todo tanggi naman ang abogado ni coach Foley sa naturang mga alegasyon.