ZAMBOANGA CITY – Umabot pa sa 134 na kaso ang bilang ng mga nagpostibo sa COVID-19 dito sa Zamboanga.
Sa impormasyong nakalap ng Star FM Zamboanga mula sa Zamboanga Task Force COVID-19, nadagdagan pa ng 10 ang nagpositibo sa nasabing sakit.
Karamihan sa mga ito ay mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Zamboanga City Jail.
Sa ngayon, mayroon nang naitalang 134 na kaso ang Zamboanga City at posible pa itong madagdagan ayon sa task force.
Samantala, nilagay naman sa isolation area partikular na sa Barangay Cabatangan ang lahat ng mga nakalayang PDLs para sa agarang gamutan.
Subalit may iilang residente sa nasabing barangay ay nangngamba lalo na’t malapit sila sa isolation area ng mga PDLs na positibo sa COVID-19.
Natatakot umano sila na baka sila ay mahawaan lalo na ang mga bata at mga senior citizen na madaling kapitan sa nasabing sakit.