Nagsimula ng tumagas ang ilan sa lamang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil ng lumubog na MT Terra Nova sa Manila Bay ayon sa Philippine Coast Guard.
Kaugnay nito nanawagan ang ahensiya na itigil muna ang pangingisda sa lugar.
Ang namataang tumagas na langis sa naturang karagatan ay trumiple pa sa dami nito noong Huwebes at tinatayang nasa 12-14 kilometro o 7.5 milya hanggang 8.7 milya ang lawak kung saan libu-libong mangingisda at manggagawa sa turismo ang nakadepende dito ang kanilang kabuhayan.
Ayon kay PCG spokesman Rear Admiral Armand Balilo, in-inspeksiyon ng mga diver ang katawan ng tanker ngayong Sabado at nakita ang minimal leak mula sa valves. Bagamat kakaunti pa lang aniya ang volume ng langis na tumagas.
Umaasa naman ang PCG na masisimulan na bukas ang siphoning sa tumagas na langis mula sa motor tanker. Nauna ng idineploy ang oil spill booms para ma-contain ang oil spill.