Aabot na sa apat na mga neighboring countries ng Pilipinas ang nangakong magpapadala ng kani-kanilang mga air asset.
Layon nito na tulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa pagsasagawa ng rescue at relief operation sa mga lugar na naapektihan ng bagyong Kristine.
Ayon kay OCD Administrator and Undersecretary Ariel Nepomuceno, kabilang sa mga bansang ito ay ang Brunei, Malaysia, Singapore at Indonesia.
Kabilang sa mga ipinangako ng mga ito ay ang C-130 aircraft, large choppers para tulumulong sa paghahatid ng relief supplies.
Nilinaw naman ng OCD na sapat ang air assets ng Pilipinas ngunit hindi naman nila haharangin ang inisyatibong ito ng ibang bansa.
Patunay din aniya ito ng matatag na ugnayan ng Pilipinas sa mga nabanggit na bansa.
Bukod sa mga ito, nangako na rin ng tulong ang Sinagpore maging ang Taiwan.