-- Advertisements --

Tinutugunan ngayon ng Comelec ang ilang aberyang lumutang sa nagpapatuloy na overseas absentee voting (OAV).

Matatandaang nagsimula ito noong weekend at magtatapos sa Mayo 13, 2019.

Ilan sa problema ay pagkakaharang sa Saudi Customs office sa computerized voters list na gagamitin sa Al Khobar.

Pero ang solusyon umano ng poll body ay iderekta ang voter verification sa kanilang opisina sa Manila, sa pamamagitan ng direktang komunikasyon.

Biniberepika na rin ng poll body ang iba pang report na natanggap ukol sa aberya mula sa iba pang bansa.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mahigit isang milyon ang nakatalang overseas voters, ngunit mahigit 20 porsyento lang ang aktibong lumalahok sa proseso ng halalan, lalo na kapag ganitong midterm elections lamang.