Nasa mahigit 24 na abogado mula sa iba’t-ibang bansa ang nagpahayag ng hindi pag-sang-ayon sa nominasyon sa United Nations’ (UN) International Law Commission (ILC) ni presidential spokesperson Harry Roque.
Ayon sa International Association of Democratic Lawyers (IADL) at kanilang national associations na hindi katanggap-tanggap at hindi nararapat sa nasabing puwesto si Roque.
Isang dahilan aniya dito ay ang pagtanggol ni Roque sa drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang pagbalewala sa pagkilala sa International Criminal Court (ICC), UN Human Rights Council at UN Office High Commissioner for Human Rights.
Nauna ng sinabi ni Roque na hindi ito makikinig sa kritisismo laban sa kaniyang kandidatura sa ILC at nanindigan ito na hindi siya guilty sa anumang krimen dahil sa pagiging malapit kay Pangulog Duterte.