Nagsagawa ng tree planting activity ang ilang mga kinatawan ng ahensya ng gobyerno kasama ang iba’t ibang organisasyon kasabay ng paggunita sa ika-7 anibersaryo ng Marawi Liberation noong 2017 sa Maguing, Lanao del Sur.
“Plant and Grow for Peace Program-Tree Planting Activity,” ang naging tema ng aktibidad.
Pinangunahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office ang nasabing aktibidad na siya namang pinamumunuan ni Forester Pili M. Papandayan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Lanao del Sur LGU na nilalayon ng naturang inisyatiba na mapabuti ang kalagayan ng deforested area sa nabanggit na lokal na pamahalaan.
Ang ganitong hakbang rin aniya ang makatutulong upang mahikayat pa ang publiko na tangkilikin ang produksyon sa agrikultura sa lalawigan.