Nagsagawa ng inspeksyon ngayong araw ang ilang ahensya ng gobyerno sa ilang bus terminal sa EDSA-Cubao dahil sa buhos ng mga pasahero ngayong semana santa.
Ito ay kinabibilangan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Bureau of Fire Protection.
Nanguna sa pag-iikot sina MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana, DILG Undersecretary Chito Valmocina, MMDA Head of Traffic Enforcement Atty. Vic Nuñez sa mga Five Star terminal.
Nagkaroon rin ng random drug testing sa mga bus driver katuwang ang PDEA.
Ang hakbang na ito ay layuning, matiyak na ligtas ang mga pasaherong uuwi sa kanilang mga lugar.
Ngayong gabi naman ay pinahihintulutan ng MMDA ang mga provincial buses na makadaan sa EDSA.
Nagtalaga rin ang MMDA ng mga medikal personel para sa mga pasaherong mangangailangan ng kaukulang medikal na atensyon.