-- Advertisements --

Nadagdagan ang mga airline companies na nagkansela ng kanilang flights sa Ukraine dahil sa tumataas na tensiyon doon .

Pinakahuling nagkansela ay ang Air France at German airline company na Lufthansa kung saan sinabi nila na ang hakbang ay bilang pag-iingat.

Tiniyak ng dalawang airline companies na kanilang imomonitor ang kalagayan sa lugar.

Magugunitang mula noong Enero ay maraming mga airline companies na ang nagbawas ng kanilang flights habang ang iba ay nagkansela dahil sa lumalalang tensiyion at banta ng Russia na paglusob sa Ukraine.