-- Advertisements --

Nag-anunsyo na ng pagkansela ang ilang airlines ng United States sa kanilang mga flights na kinakailangan dumaan sa himpapawid ng Iran upang makarating sa paroroonan.

Ang desisyong ito ay kasunod ng pag-atake ng Iran sa isang military drone na pagmamay-ari ng Estados Unidos.

Una na rito ay naglabas ng emergency order ang US Federal Aviation Administration na nagbabawal sa mga US airlines na mag-operate sa Tehran-controlled airspace upang makaiwas sa posibilidad nang muling pag-atake.

Napagpasyahan na rin ng ilang airlines sa buong mundo na kanselahin ang kanilang flights habang ang iba naman ay sinabing babaguhin na lamang ang ruta ng kanilang eroplano upang hindi masyadong makaabala sa kanilang mga pasahero.

Ilan sa mga airlines na ito ay ang British Airways, ang Dutch carrier na KLM Emirates, Qantas of Australia at Lufthansa Airlines.

Samantala, kasalukuyang inilagay ng Iran’s Islamic Revolutionary Guards Corps sa Iran ang pinaniniwalaan nila na mga parte ng US drone na kanilang pinasabog.

Una nang inamin ng Iran na sila ang nasa likod ng nasabing pag-atake na naging dahilan ng mas lalong umiinit na tensyon nito sa United States.