-- Advertisements --

Nagdaos ngayon ng ilang aktibidad sa lungsod ng Maynila para sa paggunita ng ika-80 anibersaryo ng Battle of Manila.

Ito ang pagsasama ng Pilipinas at Amerika kontra sa mga Japanese forces.

Ilang pangyayari ay naitala sa Intramuros.

Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), isa ito sa makasaysayang sandali na lubos na nagbago sa ating bansa.

Ang labanan na ito, na nagmarka ng hindi matatawarang tapang at sakripisyo, ay hindi lamang binago ang pisikal na anyo ng Maynila kundi pati na rin ang diwa at katatagan nito.

Kaya naman isang aktibidad ang isinagawa sa Adamson University upang alalahanin ang mga naging bayani ng labanan sa Maynila.